Home NATIONWIDE Kelot tumalon mula sa barko patungong Calapan

Kelot tumalon mula sa barko patungong Calapan

255
0

MANILA, Philippines – Tumalon ang isang pasahero na pinaniniwalaang may mental health issues mula sa isang barko na patungong Oriental Mindoro nitong Sabado, Hulyo 19, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG) Southern Tagalog.

Ang insidente ay nangyari isang nautical mile ang layo mula sa Baco Chico Island, Oriental Mindoro.

“According to the vessel’s captain, the individual was sighted in the water by the chief steward, who quickly rendered assistance and successfully rescued the person around noon,” ayon sa PCG.

Ang pasahero ay tinukoy na isang 35-anyos na lalaki mula Zamboanga City.

Iniulat ng master ng barko na ang indibidwal ay may history ng mental health issues.

Ligtas namang nakababa sa Port of Calapan ang lalaki at ang kasamahan nito. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here