Home NATIONWIDE Mga turista sa Mimaropa binalaan kay ‘Crising’

Mga turista sa Mimaropa binalaan kay ‘Crising’

239
0

MANILA, Philippines – Hinimok ng pamahalaan ang mga turista na bumibiyahe sa MIMAROPA (Mindoro, Marinduque, Romblon, at Palawan) na gawing prayoridad ng mga ito ang kanilang kaligtasan kasabay ng masamang panahon.

Ang abisong ito ay inilabas ng Department of Tourism (DOT) 4-B (Mimaropa), nitong Sabado, Hulyo 19 kasabay ng pananalasa ng bagyong Crising at malalakas na pag-ulan dulot ng southwest monsoon o Habagat.

“The Department of Tourism – Mimaropa urges all stakeholders and tourists to prioritize safety in light of the impending Tropical Storm Crising. Please take precautionary measures.”

Ang mga istranded na mga turista naman ay maaaring makipag-ugnayan sa kanilang local tourism offices o sa kanilang transportation providers para humingi ng tulong, at patungkol sa rebooking ng flight at ferry schedules.

Inabisuhan din ang mga tourism enterprise, katulad ng accommodations, tourism transport services, at tour operators, na magkaroon ng precautionary measures laban sa mga posibleng epekto na may kaugnayan sa sama ng panahon, at magpaabot ng tulong sa mga maiistranded na mga turista at bisita.

Sa ulat, mayroong kabuuang 417 barangay sa buong bansa, 16 sa mga ito ang nasa MIMAROPA, ang apektado ng pinagsanib na epekto ng habagat at Bagyong Crising.

Hindi naman nagbigay ng datos ang DOT kung ilan ang mga istranded na turista sa mga apektadong lugar. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here