MANILA, Philippines – Tiniyak ng lokal na pamahalaan ng Quezon City na may mananagot sa mga nasa likod ng pagbagsak ng billboard sa C5 Katipunan-Ateneo Southbound nitong Sabado, Hulyo 19.
Sa pahayag, sinabi ng QC LGU na batay sa kanilang inisyal na imbestigasyon, “it appears that the billboard did not have any holes for air to pass through” kung kaya’t bumagsak ito nang hagupitin ng malakas na hangin dala ng Southwest Monsoon o Habagat na pinalakas ng Bagyong Crising.
“Because of this, it acted like a large sail when hit by strong winds, causing it to collapse,” sinabi pa ng lokal na pamahalaan.
“The local government will ensure that anyone who is at fault is held accountable,” dagdag pa.
Ayon sa QC LGU, agad nilang ipinadala ang mga tauhan mula sa Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office, Department of Public Order and Safety, at Traffic and Transport Management Department, sa pakikipagtulungan sa Metropolitan Manila Development Authority, Meralco, at Quezon City Police District, para magsagawa ng clearing operations at asistihan ang mga apektadong motorista.
Nagpaalala rin ito sa lahat ng billboard owners at operators na siguruhing ligtas, matibay at maayos na naitayo ang kanilang mga istruktura lalo na sa panahon ng bagyo. RNT/JGC