Home SPORTS Magsayo wagi sa matinding laban kontra Mata

Magsayo wagi sa matinding laban kontra Mata

337
0

MULING ipinamalas ni Mark “Magnifico” Magsayo ang kanyang bangis matapos makuha ang panalo via unanimous decision laban sa Mehikanong si Jorge Mata sa isang 10-round super-featherweight bout.

Hindi man niya napabagsak ang kalaban, kontrolado ni Magsayo ang halos buong bout.

Sa MGM Grand Garden Arena ginanap ang sagupaan bilang bahagi ng undercard ng Pacquiao-Barrios championship match.

Tumanggap si Magsayo ng scores na 100-92 mula sa dalawang hurado at 98-92 mula sa isa.

Ito na ang pangalawang sunod na panalo ng Pinoy matapos ang ilang pagkatalo sa mas mataas na timbang.

Hawak na niya ngayon ang kartadang 28-2 na may 18 knockouts.GP

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here