NAGBALIK ang Olympian na si Eumir Marcial sa entablado ng boksing sa mala-bagyong paraan matapos niyang patumbahin si American Joseph Bernard sa ikatlong round ng kanilang laban.
Tila hindi na nawala ang bagsik ni Marcial matapos ang higit isang taong paghinto upang maghanda para sa Paris Olympics.
Sa laban, mabilis niyang inatake si Bernard gamit ang matitinding body shots.
Ang knockout ay nangyari matapos ang isang sunod-sunod na kombinasyon na sinundan ng isang matalim na left straight.
Tumayo pa sana si Bernard, ngunit hindi na pinayagan ng referee.
“Alam kong hindi na siya tatayo. Naduling na siya,” ani Marcial. Malinaw ang kumpiyansa ng Zamboanga native sa kanyang timing at lakas.GP