MULING ipinamalas ni Mark “Magnifico” Magsayo ang kanyang bangis matapos makuha ang panalo via unanimous decision laban sa Mehikanong si Jorge Mata sa isang 10-round super-featherweight bout.
Hindi man niya napabagsak ang kalaban, kontrolado ni Magsayo ang halos buong bout.
Sa MGM Grand Garden Arena ginanap ang sagupaan bilang bahagi ng undercard ng Pacquiao-Barrios championship match.
Tumanggap si Magsayo ng scores na 100-92 mula sa dalawang hurado at 98-92 mula sa isa.
Ito na ang pangalawang sunod na panalo ng Pinoy matapos ang ilang pagkatalo sa mas mataas na timbang.
Hawak na niya ngayon ang kartadang 28-2 na may 18 knockouts.GP