LAS VEGAS, United States — Nauwi sa majority draw ang laban sa pagitan nina dating eight division world champion Manny Pacquiao at Mario Barrios na ginanap sa MGM Grand Garden Arena.
Isang judge ang nagbigay ng 115-113 para kay Barrios, ang reigning WBC welterweight champion, habang ang dalawang iba ay parehong may 114-114.
Puno ng aksyon ang naging laban ng dalawa kung saan ginamit ni Barrios ang mabisang jab laban sa determinadong si Pacquiao, na ipinakita ang kanyang mga kumbinasyon at agresyon mula sa simula hanggang sa huling round ng laban.
Ngunit alinman sa mga opensa ay hindi sapat upang makuha ang simpatya ng mga hukom.JC