MANILA, Philippines – Inihahanda na ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) ang assistance package oara sa mga biktima ng tropical storm Crising na nawalan ng tirahan sa pananalasa ng bagyo sa bansa.
Sa pinakahuling datos, sinabi ni DHSUD Undersecretary for Disaster Response Henry Yap na kabuuang 276 tirahan ang napinsala ng bagyong Crising kung saan 34 ang totally damaged at 242 ang partially damaged.
Ani Yap, inatasan na niya ang lahat ng Regional Offices (ROs) sa typhoon-affected areas na makipagtulungan sa lokal na pamahalaan at iba pang ahensya para sa paghahatid ng post-disaster assistance.
“DHSUD’s key shelter agencies are to exhaust all ways on how to assist the typhoon victims, and to immediately implement the same at the soonest possible time,” sinabi ni Yap.
“All regional officers in the typhoon-affected areas are directed to actively engage LGUs and other partner-agencies, and convene your respective shelter clusters immediately to determine the extent of assistance necessary,” dagdag pa niya.
Ang DHSUD na inatasang manguna sa national government shelter cluster, ay inatasan din na magbigay ng post disaster housing assistance sa mga biktima ng kalamidad.
Kabilang sa mga tulong ay ang implementasyon ng Integrated Disaster Shelter Assistance Program (IDSAP) na nagbibigay ng unconditional cash assistance na P30,000 sa mga pamilyang bahay ay tuluyan nang nawasak, habang P10,000 naman sa mga tirahang “partially damaged” dahil sa natural o human-induced disasters. RNT/JGC