Home NATIONWIDE VP Sara ‘di pabor sa online gambling

VP Sara ‘di pabor sa online gambling

229
0

MANILA, Philippines – Nagpahayag ng pagtutol si Vice President Sara Duterte sa online gambling.

“I am against online gambling. Hindi ako sang-ayon sa lahat ng klase ng pagsusugal online dahil hindi nakokontrol ng mga magulang ang access ng kanilang mga anak diyaan sa internet,” sinabi ni Duterte sa isang panayam sa The Hague, Netherlands.

Ayon sa Bise Presidente, nagbibigay-daan ang online gambling sa mga Filipino upang mabilis itong maubusan ng pera at mabaon sa utang.

“Okay ako sa regulated gambling kung saan di lahat nakakasugal, pero kapag nilagay mo siya online kung na hindi na natin macocontrol kung sino makakapagbukas ng account para magsugal, di ako sang-ayon doon dahil nakakasira ng pamilya yun at nakakasira ng kinabukasan ng kabataan,” dagdag pa ni Duterte.

Matatandaan na ilang mambabatas mula sa Senado at Kamara ang nagsusulong na ipagbawal na ang online gambling dahil sa paniniwala nilang hindi sapat ang regulasyon lamang.

Sinabi rin ng Department of Health na ang online gambling ay isang health issue na maaaring makaapekto sa kapasidad ng isang trabaho na gawin nang maayos ang kanyang trabaho. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here