Home SPORTS Alas Men bigo kontra Thais

Alas Men bigo kontra Thais

210
0

ISANG masakit na reverse sweep ang sinapit ng Alas Pilipinas Men mula sa defending champion Thailand, 25-18, 25-18, 14-25, 23-25, 7-15.

Mula sa 2-0 lead, hindi na napanatili ng Filipinos ang kanilang momentum, dahilan upang maitabla at tuluyang maagaw ng Thailand ang panalo.

Matinding pamumuno mula kina Kissada Nilsawai at Amorntep Khonhan ang nagpasiklab sa Set 3 hanggang Set 5 ng mga Thais.

Tinangkang bumawi nina Peng Taguibolos, Leo Ordiales at Buds Buddin, ngunit hindi na umubra sa depensang Thai.

Tatlong beses na ngayong talo ng Thailand ang Pilipinas sa taon, kabilang ang AVC Nations Cup.

May maliit pang tsansa ang Alas Men na makapasok sa podium sa pamamagitan ng straight-set win laban sa Vietnam at mataas na quotient. GP

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here