Home METRO 3 dam sa Luzon nagpakawala ng tubig -PAGASA

3 dam sa Luzon nagpakawala ng tubig -PAGASA

267
0

MANILA, Philippines – Tatlong malalaking dam sa Luzon ang nagpakawala ng tubig nitong Linggo, Hulyo 20, dahil sa pagtaas ng lebel ng tubig na dulot ng malakas na pag-ulan mula sa Severe Tropical Storm “Crising” (international name: Wipha) at habagat, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Noong alas-8 ng umaga ng Linggo, Hulyo 20 ang Ipo Dam sa Bulacan ay may water level na 100.50 meters, mas mataas sa 100.42 meters noong nakaraang araw. Ang antas ng spilling ng dam ay 101 metro. Sinabi ng PAGASA na binuksan ang isang gate para i-regulate ang daloy ng tubig.

Sa Benguet, ang lebel ng tubig ng Ambuklao Dam ay tumaas sa 751.78 metro mula sa 749.77 metro, mas mababa lamang sa 752-meter spilling level nito. Binuksan din ang isang gate.

Ang Binga Dam, sa Benguet din, ay nagpalabas ng tubig nito sa pamamagitan ng pagbubukas ng dalawang gate, mula sa isang gate noong nakaraang araw, matapos tumaas ang lebel ng tubig nito sa 574.43 metro mula sa 573.05 metro. Ang antas ng spilling nito ay 575 metro.

Naobserbahan din ng PAGASA ang patuloy na pagtaas ng lebel ng tubig ng La Mesa Dam sa Quezon City, na umabot sa 79.88 metro nitong Linggo ng umaga, na malapit na sa spilling level na 80.15 metro.

Dagdag pa ng PAGASA, nakaranas din ng pagtaas ng tubig ang iba pang dam, kabilang ang Angat Dam sa Bulacan, na tumaas mula 191.88 metro hanggang 194.10 metro, at San Roque Dam sa Pangasinan, na tumaas mula 240.39 metro hanggang 242.02 metro.

Gayunpaman, ang parehong mga dam ay nananatiling mas mababa sa kani-kanilang spilling level. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here