MANILA, Philippines – Nagbabala ang PAGASA sa mga komunidad malapit sa Tullahan River kasabay ng patuloy na pagtaas ng lebel ng tubig sa La Mesa Dam, na malapit na nitong maabot ang spilling level.
Sa abiso ng PAGASA nitong umaga ng Lunes, Hulyo 21, ang lebel ng tubig sa La Mesa Dam ay umabot na sa 79.69 metro, o 0.46 metro na lamang sa spilling level nitong 80.15 metro.
Dadaloy ang sobrang tubig ng dam sa Tullahan River na tumatawid sa ilang flood-prone communities sa Metro Manila sa oras na umapaw na ito.
Kabilang sa mga maaapektuhan ay ang Fairview, Forest Hills Subdivision, Quirino Highway, Sta. Quiteria, at San Bartolome sa Quezon City; bahagi ng Valenzuela City, partikular sa North Expressway at La Huerta Subdivision; at ilang bahagi ng Malabon.
“All the residents living in the aforementioned areas and nearby areas, especially those near the river banks, are still advised to be alert for possible floodings,” ayon sa PAGASA. RNT/JGC