Home NATIONWIDE Mister nasamsaman ng droga’t baril

Mister nasamsaman ng droga’t baril

313
0

ENRILE, Cagayan — Bumagsak sa kamay ng pulisya ang isang mister sa bisa ng dalawang search warrant kaugnay ng paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) at RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) sa isinagawang operasyon ng pinagsanib na puwersa ng pulisya sa naturang bayan.

Ang naturang operasyon ay pinangunahan ni PMaj. Harold Ocfemia, Officer-In-Charge, katuwang ang 202nd MC, RMFB2, PIU CPPO at 1st CPMFC.

Nagresulta ang operasyon sa pagkakaaresto ng suspek at pagkakakumpiska ng tatlong heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalaang shabu; isang walang lamang pakete ng sigarilyo; isang unit ng magnum .357 revolver na may anim na bala; 26 na basyo ng bala para sa nasabing revolver na nakalagay sa Kipling pouch;
isang bala para sa .45-caliber na nasa isang pouch; apat na dagdag na bala ng magnum .357 sa itim na pouch; apat pang basyo ng magnum .357 at walong bala para sa parehong revolver na nakalagay sa black/yellow pouch; at isang itim na holster.

Pansamantala nasa kustodiya ng pulisya ang suspek at mga nakumpiskang ebidensya para sa kaukulang dokumentasyon at tamang disposisyon. REY VELASCO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here