Home NATIONWIDE Infra damage sa bagyong Crising, Habagat umabot na sa P500M – DPWH

Infra damage sa bagyong Crising, Habagat umabot na sa P500M – DPWH

292
0

MANILA, Philippines – Umabot na sa P500 milyon ang halaga ng pinsala sa mga imprastraktura dulot ng bagyong Crising at Habagat, sinabi ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Sa abiso nitong Lunes ng umaga, Hulyo 21, sinabi ng DPWH na ang partial cost ng pinsala sa imprastraktura ay tinatayang nasa P526.81 milyon sa Western Visayas at Negros Island Region.

Kabilang dito ang pinsala sa national roads, tulay at flood control structures na halagang P195.52 milyon at P322.25 milyon, ayon sa pagkakasunod.

Ayon sa DPWH, ang nasabing halaga ay dadaan pa rin sa field validation. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here