Home NATIONWIDE Radio broadcaster itinumba sa Surigao

Radio broadcaster itinumba sa Surigao

239
0

MANILA, Philippines – Nasawi ang isang radio broadcaster nang barilin ng hindi pa nakikilalang gunman sa Barangay Mangagoy, Bislig City, Surigao del Sur.

Kinilala ang biktima na si Erwin Labitad Segovia na kilala bilang si “Boy Pana,” na host ng programang “DIRITSAHAN!” na sumasakop sa mga isyung panlipunan, local governance at mga isyu sa komunidad.

Kasunod ng pagpatay ang agad na naglunsad ng imbestigasyon ang mga awtoridad at nagsasagawa na ng hot pursuit operation para matunton ang mga suspek.

Sa inisyal na ulat ng pulisya, katatapos lamang ng programa ni Segovia at pauwi na sa bahay nang sundan ng dalawang hindi pa nakikilalang indibidwal lulan ng itim na motorsiklo.

“We are already activating the Special Investigation Task Group on New Cases to look into this tragic incident,” sinabi ni Undersecretary Jose Torres Jr., executive director ng Presidential Task Force on Media Security (PTFOMS).

Nakikipag-ugnayan na rin ang kanyang opisina sa Philippine National Police Media Vanguards at Media-Citizen Council sa Region 13 para mapabilis ang imbestigasyon.

Hinimok ni Torres ang publiko at media community na maging alerto at magbigay ng impormasyon na makatutulong sa imbestigasyon.

“The safety of journalists remains a priority for the government, and justice for victims of media-related violence continues to be a national concern,” ani Torres. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here