Home NATIONWIDE BFP nakatanggap ng unmodified opinion mula sa COA

BFP nakatanggap ng unmodified opinion mula sa COA

262
0

MANILA, Philippines – Nakatanggap ang Bureau of Fire Protection (BFP) ng unmodified opinion sa loob ng tatlong magkakasunod na taon mula noong 2022. Para sa fiscal year 2024, muling nakatanggap ang BFP ng unmodified opinion na may markang 90.

Ayon sa Commission on Audit (COA) ang inilabas na ulat ay batay sa Financial Management Performance Rating batay sa isinagawang financial audit sa panahong ito ng 2024 na iniulat ni Miriam M. Villanueva Director lV, Cluster 4 National Government Audit Sector.

Batay sa ulat ng COA, nakatanggap ang BFP ng 90 porsiyentong marka ng mahusay mula sa unang ulat ng Financial Performance Rating.

Nauna rito, matatandaang inaprubahan ng COA ang mga aksyon ng Bureau of Fire Protection (BFP) kaugnay ng pagkakaroon ng modernization program ng BFP para makasabay sa modernong panahon.

Nakasaad sa ulat ng COA na walang mali sa mga ginawang aksyon ng BFP sa pagtatakda ng mga technical requirements na kailangan ng Bureau of Fire para makasabay sa mga makabagong pamamaraan at modernization program ng BFP.

Samantala, ang ulat ng Financial Management Performance Rating ng COA ay nagsabi na ang BFP ay nakatanggap ng mahusay na rating sa nakalipas na panahon ng 2024.

Kaugnay nito, ayon sa ulat ng COA noong nakaraang 2010, inilunsad ng BFP ang Modernization Program nito alinsunod sa Comprehensive Fire Code of 2008 ng pamahalaan upang ang bureau of fire ay umangkop sa modernong panahon kung sakaling magkaroon ng sunog.

Isinaad pa sa ulat na ang pangunahing layunin ay i-upgrade ang kakayahan ng pamahalaan sa pag-apula ng sunog na may sapat na tauhan at sapat na kagamitan sa paglaban sa sunog upang maprotektahan ang mga tao mula sa mga mapanganib na sunog.

Nakasaad pa sa ulat ng COA na umabot sa P13.17 bilyon ang kabuuang pondo para sa Modernization Program mula 2011 hanggang 2017.

Nauna rito noong nakaraang taon, naghain si Senator Bong Go ng panukalang batas sa Senado na nag-aatas sa BFP na ipatupad ang modernization program ng Bureau of Fire Protection.

Ayon sa COA report, walang masama sa technical requirements para sa modernization program dahil ito ay naaayon sa COA report sa performance audit ng COA.

Naniniwala rin ang Komisyon na dapat palakasin ng pamahalaan ang kampanya nito sa pagsugpo sa sunog kasabay ng patuloy nitong programa sa modernisasyon. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here