Home NATIONWIDE PPA nag-alok ng libreng sakay

PPA nag-alok ng libreng sakay

274
0

MANILA, Philippines – Nag-alok ng libreng sakay ang Philippine Ports Authority (PPA) sa mga stranded na pasahero sa gitna ng walang tigil na pagbuhos ng ulan bunsod ng epekto ng Bagyong Crising.

Ilang komyuter sa kahabaan ng Quiapo hanggang Fairview ang nahirapang makaskay nitong Hulyo 21, 2025.

Bilang tugon, agad na nagdeploy ang PPA Head Office ng dalawang libreng shuttle bus upang matulungan ang mga komyuter na bumiyahe sa kabila ng masamang panahon.

Ang nasabing bus ay may rutang Quiapo-Fairview at vice versa na layuning magsilbing pansamantalang ginhawa sa mga pasahero na hirap makasakay ngayong tag-ulan at may mga pagbaha.

Ngayong Lunes, maaga namang sinuspinde ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang lahat ng klase sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong eskuwelahan dahil sa masungit na panahon.

Gayundin ang trabaho sa mga opisina sa gobyerno dahil sa patuloy pa ring pag-ulan batay na rin sa direktiba ng Palasyo.

Ngunit ang direktiba ay hindi kasama ang mga empleyado na nauugnay sa emergency services partikular mula sa MCDRRMO, Manila Department of Social Welfare (MDSW), Manila Health Department (MHD) at anim na district hospitals. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here