MANILA, Philippines – Pinakilos na ng Kamara sa atas na rin ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na ngayon ay nasa Estados Unidos ang disaster monitoring and relief efforts upang tulungan ang mga miyembro ng Kamara na ang mga distrito ay labis na naapektuhan ng Bagyong Crising kasabay ng malawak na epekto ng Habagat.
“Hindi tayo maaaring manahimik habang lumulubog ang mga komunidad at nangangamba ang ating mga kababayan. Public service doesn’t stop when Congress is out of session. Ngayon mismo, dapat tayong kumilos. I’ve been through this myself—my home province of Leyte has seen the worst of disasters. Kaya ramdam ko ang bigat na dinaranas ng mga pamilya ngayon. Sa oras ng sakuna, hindi dapat nag-iisa ang sinoman,” giit pa ni 19th Congress House Speaker Martin Romualdez.
Ngayong araw ay mananatiling suspendido ang pasok ng mga empleado sa Malaking Kapulungan ng Kongreso dahil sa malalakas na pag-ulan at pagbaha sa Metro Manila.
“In view of the continued heavy rainfall and widespread flooding in Metro Manila, which threaten the safety of motorists and the general public, work in the House of Representatives will remain suspend on July 22, 2025.”
Sa memorandum na ipinalabas ni House Secretary General Regiland Velasco ay iginiit nitong ang patuloy na pag-ulan at pagbaha ay siyang nagsasapanganib sa mga motorista at ng publiko ngunit bukas aniya ang mga opisinang may mahahalagang gampanin lalo pa at ilang na lamang ay gaganapin na ang ika-apat na state-of-the-nation address SONAS) ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.
“Notwithstanding, the suspension, offices tasks with essential functions are directed to ensure that the delivery of vital services remains uninterrupted,” dagdag pa ni Velasco sa naturang Memo.
Ngunit mananatili aniyang naka-antabay ang liderato ng Kamara upang umayuda at umalalay sakaling kailanganin upang mapanatili ang kaligtasan ng mga empleyado.
“The House leadership continues to monitor the situation and will take all necessary measure to safeguard the welfare of our employees.” Meliza Maluntag