Home NATIONWIDE Pagpapalakas ng economic at defense engagement muling pinagtibay ng US, PH

Pagpapalakas ng economic at defense engagement muling pinagtibay ng US, PH

223
0

MANILA, Philippines – BINIGYANG diin nina Philippine President Ferdinand Marcos Jr. at US Secretary of State Marco Rubio ang kanilang commitment na palakasin ang ‘economic at defense engagement’ ng Maynila at Washington sa harap ng agresibong asta o gawi ng Tsina sa pinagtatalunang South China Sea.

Bago pa ang unang araw ng summit ni Pangulong Marcos kasama si US President Trump sa White House, araw ng Martes, araw ng Miyerkules sa Maynila), nagpulong na sina Panulong Marcos at Rubio sa Washington, araw ng Lunes at tinukoy ang kahalagahan ng “deterrence” habang “reinforcing freedoms of navigation and overflight in support of a free and open Indo-Pacific.”

Kapuwa sinabi rin ng mga ito na ang “ironclad” US-Philippines alliance ay mahalaga sa pagpapanatili ng kapayapaan at katatagan sa Indo-Pacific region.

Kapuwa binigyang diin din nina Pangulong Marcos at Rubio ang tumataas na economic cooperation ng dalawang magkaalyado sa pamamagitan ng US-envisioned growth region sa Asya, tinawag na Luzon economic corridor, para sa pangunahing imprastraktura at iba pang mga mahalagang proyekto.

Binanggit din ng US State Department sa miting na pinag-usapan nina Pangulong Marcos at Rubio ang pagsisikap na isulong ang ‘shared prosperity’ ng kani-kanilang bansa kabilang na ang sa pamamagitan ng Luzon Economic Corridor, sa pamamagitan na palakasin ang supply chains at naghahatid ng paglago ng ekonomiya sa Pilipinas at Estados Unidos.

“The Secretary and President Marcos looked forward to maintaining regular high-level engagement between the United States and the Philippines as friends, partners, and allies, particularly ahead of the 80th anniversary of United States-Philippines diplomatic relations in 2026,” ayon sa kalatas.

Kapuwa naman nagpahayag ng kanilang pagkabahala at pag-aalala ang Maynila at Washington ukol sa tumataas na mapamilit na pag-uugali ng Tsina sa South China Sea, kung saan halos angkinin ng Beijing ang kabuuan nito. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here