Home NATIONWIDE MARINA: Theoretical exam ng mga seaman ngayong araw, pwedeng i-reschedule

MARINA: Theoretical exam ng mga seaman ngayong araw, pwedeng i-reschedule

358
0

MANILA, Philippines – Suspendido ngayong araw, Hulyo 22,2025 ang lahat ng operasyon at serbisyo sa MARINA Cenral Office at MARINA Regional Office-NCR sa Trium Square Building, Pasay City alinsunod sa Memorandum Circular No. 89 mula sa Malacanang dahil sa patuloy na pag-ulan dulot ng habagat.

Dahil ito, kanselado ang Theoretical Examination ng mga marino, kung saan pinapayagan ang mga apektado na mag-reschedule without payment o reset without payment sa MISMO system simula Hulyo 23.

Kasama rin sa sinuspinde ang practical assessment sa mga apektadong rehiyon, habang tuloy naman sa mga lugar na hindi apektado basta’t sumusunod sa CCTV compliance base sa MARINA Memo Circular SC-2022-03.

Para sa mga naka-schedule ng pagkuha ng MARINA Professional License ID, maaari na itong iproseso sa loob ng linggong magsisimula sa Hulyo 23.

Inaasahan naman na muling babalik sa normal ang operasyon bukas, Hulyo 23. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here