MANILA, Philippines – Naglatag ng karagdagang ruta ng libreng sakay ang Philippine Coast Guard (PCG) para sa mga komyuters na nahihirapang sumakay mula sa kanilan mga trabaho.
Ayon sa PCG, mayroon na ring libreng sakay sa rutang Roxas Boulevard papuntang Sucat, Paranaque upang mas mapalawak ang libreng sakay sa Metro Manila nitong Martes, Hulyo 22.
Sa mga oras na ito, walang patid ang pagbibigay ng libreng sakay sa mga komyuter na stranded sa ibat-ibang bahagi ng Kalakhang Maynila sa kasagsagan ng pagbaha.
Ang operasyong ito ay bilang pagtalima sa direktiba ng Pangulo na tiyaking ligtas ang lahat ng riding public.
Samantala, naserbisyuhan ng PCG ang mga senior citizens at persons with disabilities (PWDs) sa libreng sakay.
Maingat ding inaalalayan ng mga coast guard personnel ang mga senior at PWD na stranded sa Maynila dahil sa pagbaha.
Nitong hapon ng Martes, patuloy ang PCG buses at trucks sa pag-iikot sa mga binahang kalsada ng Metro Manila upang matulungan ang mga stranded na komyuter. Jocelyn Tabangcura-Domenden