Home NATIONWIDE DOH nagbabala sa banta ng leptospirosis sa paglusong sa baha

DOH nagbabala sa banta ng leptospirosis sa paglusong sa baha

278
0

MANILA, Philippines – Binalaan ng Department of Health (DOH) ang publiko na manatiling alerto sa mga panganib ng leptospirosis sa gitna ng tuloy-tuloy na pag-ulan at pagbaha sa buong bansa.

Payo ni DOH spokesperson Assistant Secretary Albert Domingo sa publiko na sumunod sa direktiba mula sa lokal na pamahalan upang maiwasan ang pagkakasakit.

Sakaling hindi maiwasang lumusong sa baha, sinabi ni Herbosa na may ibinibigay ang LGU na prophylaxis laban sa leptospirosis.

Tignan din aniya ang mga karaniwang sintomas ng leptospirosis kabilang ang lagnat, pananakit ng katawan, paninilaw ng balat at mata, at discoloration ng dumi.

Payo ni Domingo sa mga indibidwal na lumusong sa baha, na humingi ng tulong medikal o agad kumonsulta sa mga government health center para huwag mauwi sa leptospirosis. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here