Home NATIONWIDE WHO nagbabala sa banta ng chikungunya epidemic

WHO nagbabala sa banta ng chikungunya epidemic

243
0

MANILA, Philippines – Nagbabala ang World Health Organization sa isang pangunahing epidemya ng chikungunya virus na nanganganib na kumakalat sa buong mundo, at nanawagan para sa aagarang aksyon upang maiwasan ito.

Sinabi ng WHO na nakakuha ito ng eksaktong kaparehong palatandaan ng maagang babala tulad ng sa isang malaking outbreak dakawang dekada na ang nakalilipas at nais na maiwasan ang pag-ulit nito.

Binanggit ni Diana Rojas Alvarez ng WHO, kung paano mula 2004 hanggang 2005, isang malaking epidemya ng chikungunya ang tumama sa Indian Ocean, na tumama sa maliliit na teritoryo ng isla bago kumalat sa buong mundo at naapektuhan ang halos kalahating milyong tao.

Sa press briefing sa Geneva, sinabi ni Alvarez na nakikitaan ng WHO ng parehong pattern ang lumitaw dito.

Sinabi ni Alvarez na tulad sa nakaraang 20 taon, ang virus ay kumakalat ngayon sa ibang lugar sa rehiyon tulad ng Madagascar, Somalia at Kenya.

Sa Europe, iniulat ang imported na mga kaso na nauugnay sa outbreak sa Indian Ocean islands.

Iniulat ang local transmission sa France at na-detect ang hinihinalang mga kaso sa Italy.

Nabanggit niya na ang fatality rate ng kaso ay ma mababa sa isang porsyento, ngunit kapag sinimulang bilangin ang milyong-milyong mga kaso, ang isang porsyento ay maaaring maging libu-libong mga pagkamatay.

Ang chikungunya virus ay naililipat sa mga tao sa pamamagitan ng mga kagat ng mga infected na babaeng lamok, pinakakaraniwang Aedes aegypti at Aedes albopictus na lamok.

Hinimok ng WHO ang mga tao na protektahan ang sarili sa pamamagitan ng paggamit ng mosquito repellant at huwag mag-iiwan ng stagnant na tubig sa mga sisidlan kung saan maaring dumami ang mga lamok. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here