Home HOME BANNER STORY 500K pamilya hagip ng mga bagyo, habagat – NDRMMC

500K pamilya hagip ng mga bagyo, habagat – NDRMMC

302
0

MANILA, Philippines – Umabot na sa 500,000 pamilya o halos 2 milyon katao ang apektado ng habagat at mga bagyong Crising, Emong at Dante, ayon sa ulat ng NDRRMC noong Hulyo 23.

May 27,682 pamilya sa mga evacuation center at 11,881 pamilya na natutulungan sa labas. Naitala rin ang 7 nasawi, 7 sugatan at 8 nawawala, bagaman nag-iiba ang bilang sa ibang ahensya.

Pinakaapektado ang Central Luzon (288,185 pamilya), Ilocos Region (43,127), at Western Visayas (39,263). May 418 lugar na lubog sa baha, habang 226 na ang bumaba ang tubig.

Tatlongpong lungsod at bayan, karamihan sa Calabarzon, ang idineklarang nasa state of calamity. Tinatayang 1,708 bahay ang nasira (₱2.7M), habang ₱182M ang pinsala sa agrikultura at ₱3.7B sa imprastruktura.

Mahigit 171,000 pamilya ang nakatanggap na ng tulong mula sa gobyerno. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here