Home HOME BANNER STORY ‘Di patas: 19% vs. 0% PH-US tariff deal, pinalagan ng mga mambabatas

‘Di patas: 19% vs. 0% PH-US tariff deal, pinalagan ng mga mambabatas

275
0
  • MANILA, Philippines – Binatikos ng ilang mambabatas ang bagong kasunduan sa kalakalan ng Pilipinas at US na nagtatakda ng 19% tariff sa produktong Pilipino na papasok sa US, habang ilang produkto ng Amerika ay may zero tariff sa bansa.

“Hiling namin sa Malacañang na ilantad ang kasunduan para masuri ang epekto nito, lalo na sa lokal na magsasaka,” ayon kay Senador Kiko Pangilinan.

Tinawag nina Senador Ping Lacson at JV Ejercito na “hindi patas” ang kasunduan, habang sinabi ni Senador Imee Marcos na ang pagbaba ng taripa mula 20% tungo 19% ay “hindi tagumpay para sa Pilipinas.”

Babala ni Kabataan party-list Rep. Renee Co, maaaring “malunod ang bansa sa produktong Amerikano” na sisira sa lokal na industriya.

Giit ni Pangulong Marcos na “makabuluhang tagumpay” ang kasunduan at hindi lahat ng US goods ay zero tariff. Samantala, suportado ito ni Senador Tito Sotto dahil sa umano’y “direktang benepisyo” para sa bansa. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here