Home NATIONWIDE Ayuda sa mga magsasaka at mangingisda umabot na sa ₱1.2B – DA

Ayuda sa mga magsasaka at mangingisda umabot na sa ₱1.2B – DA

720
0

MANILA, Philippines – Umabot na sa halos ₱1.2 bilyon ang tulong ng gobyerno para sa mga magsasaka at mangingisda na apektado ng bagyong Crising at habagat, ayon sa Department of Agriculture (DA) nitong Miyerkules.

Kabilang dito ang ₱545.56M halaga ng binhi ng palay, mais at gulay, ₱400M mula sa ACPC SURE loan program (hanggang ₱25,000 bawat benepisyaryo), at ₱268M indemnity mula sa crop insurance para sa halos 46,000 magsasaka.

Umakyat na sa 10,595 MT ang pinsala sa agrikultura na katumbas ng ₱323.15M, na nakaapekto sa 14,772 magsasaka at mangingisda.

Pinakamalaki ang pinsala sa palay na umabot sa 6,703 MT na nagkakahalaga ng ₱212.6M. May pinsala rin sa high-value crops (₱82.63M), mais (₱22.13M), hayop at manok (₱5.33M), pangisdaan (₱44,950), at iba pa. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here