MANILA, Philippines – Umabot na sa halos ₱1.2 bilyon ang tulong ng gobyerno para sa mga magsasaka at mangingisda na apektado ng bagyong Crising at habagat, ayon sa Department of Agriculture (DA) nitong Miyerkules.
Kabilang dito ang ₱545.56M halaga ng binhi ng palay, mais at gulay, ₱400M mula sa ACPC SURE loan program (hanggang ₱25,000 bawat benepisyaryo), at ₱268M indemnity mula sa crop insurance para sa halos 46,000 magsasaka.
Umakyat na sa 10,595 MT ang pinsala sa agrikultura na katumbas ng ₱323.15M, na nakaapekto sa 14,772 magsasaka at mangingisda.
Pinakamalaki ang pinsala sa palay na umabot sa 6,703 MT na nagkakahalaga ng ₱212.6M. May pinsala rin sa high-value crops (₱82.63M), mais (₱22.13M), hayop at manok (₱5.33M), pangisdaan (₱44,950), at iba pa. Santi Celario