Home METRO 4 arestado sa tobats sa evacuation center

4 arestado sa tobats sa evacuation center

202
0

TAGUIG, Philippines – Hindi apektado ng hagupit ng habagat na sanhi ng mga pagbaha ang pagkalulong sa ipinagbabawal na droga ng apat na suspek na naaresto ng mga tauhan ng Sub-Station 9 ng Taguig City Police Station araw ng Miyerkules.

Pasado ala-7:30 gabi nang nagsagawa ng police visibility sa evacuation center ang mga pulis para tiyakin ang kaligtasan ng mga evacuees na apektado ng mga pagbaha sa Evacuation Center, Hagonoy Sports Complex, Brgy Hagonoy, Taguig City.

Naaktuhan ng mga pulis ang apat na suspek na sinisipat sipat at pinipitik pitik ang hinihinilang shabu na nakalagay sa plastic sachet.

Sinita at inaresto ng mga pulis ang apat na suspek na nakilalang sina alyas Nico 20 years old, Michael 51 years old, Eugene 48 years old, at John Patrick 25 years old na pawang mga residente ng Barangay Hagonoy Lunsod ng Taguig.

Nakumpiska sa mga suspek ang 3.1 grams ng shabu na nagkakahalaga ng P21,080.00.

Nahaharap ngayon ang apat na suspek sa kasong pagpalabag sa Section 11, Article II ng RA 9165 o paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Kasalukuyang nakakulong ngayon ang apat na suspek sa Taguig City Police Station detention facility. (Dave Baluyot M)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here