Manila, Philippines- Pinarangalan sina Alden Richards at Kathryn Bernardo bilang Box Office Heroes sa nagdaang 8th EDDY’s Entertainment Editor’s Choice, na ginanap sa Ceremonial Hall ng Marriott Grand Ballroom.
Ito ay dahil sa pagiging blockbuster ng pelikula nilang Hello, Love, Again, na ipinalabas last year.
Present si Alden sa event kaya personal niyang nakuha ang kanyang trophy while si Kathryn ay no show dahil nasa Australia siya para magbakasyon.
Bago ang award ng KathDen sa The 8th EDDY’s ay nauna na silang pinarangalan bilang Phenomenal Box Office King and Queen sa Box Office Entertainment Awards last June 29 para rin sa Hello, Love Again, na itinuturing ngayon na highest grossing Filipino film of all time, na kumita ng almost 1.6 billion pesos worldwide.
Gaya ng acceptance speech ni Alden sa Box Office Entertainment Awards ay hindi rin pinasalamatan o binanggit man lang ang pangalan ng leading lady niya sa nasabing pelikula.
Ang binanggit lang ng mestisong aktor ay ang producers ng palikula nila ni Kath na Star Cinema at GMA Pictures.
Buti pa nga raw si Julia Barretto, ilang ulit binanggit ang name ni Joshua Garcia na leading man niya sa movie na ’Unhappy For You’.
Tulad ng KathDen, winner din ang JoshLia sa Box Office Heroes award, pero gaya ni Kath ay hindi rin nakasipot si Joshua.
Kung ganyang no mention si Alden sa name ni Kathryn na dalawang beses na sa kanyang acceptace speech, mukhang totoo talaga ang chika na may namumuong gusot sa pagitan ng dalawa, aminin man nila ito o hindi. Rommel Placente