PANGASINAN, Philippines – Inilikas ng rescue team ng Philippine Coast Guard (PCG) ang mahigit 300 residente ng Calasiao, Pangasinan sa kasagsagan ng ulan at baha dulot ng nagpapatuloy na sama ng panahon.
Ilan sa mga inilikas ay mga may sakit, senior citizens at mga bata dahil sa abot-hitang baha sa kanilang lugar.
Tinulungan din na makaalis sa mataas na baha ang ilang residente naman ng barangay Balete, Mamburao, Occidental Mindoro sa kasagsagan ng ulan at baha nitong Miyerkules.
Gamit ang isang rescue boat, narating ng mga rescuers ang nasabing barangay at naisakay ang 13 pang residente.
Inihatid ang mga inilikas sa mga itinalagang evacuation center upang makatanggap ng karagdagang tulong mula sa lokal na pamahalaan. Jocelyn Tabangcura-Domenden