Home METRO 2 naitalang nasawi sa leptospirosis -DOH

2 naitalang nasawi sa leptospirosis -DOH

251
0

MANILA, Philippines – Kinumpirma ni Manila Health Department Director Dra.Grace Padilla ang dalawang indibidwal na namatay dahil sa leptospirosis.

Leptospirosis ang sakit na nakukuha sa ihi o dumi ng daga o hayop.

Ayon kay Dr. Padilla, sa Sta. Ana Hospital dinala ang isang pasyente habang ang isa naman ay sa Ospital ng Tondo ngunit nilinaw na ang mga pasyente ay nagkasakit bago pa man manalasa ang bagyong Crising.

Nauna an ring inihayag ng Department of Health (DOH na inaasahan ang pagtaas ng kaso ng naturang sakit lalo pa’t maraming lugar ang nalubog sa baha dahil sa bagyong Crising at Habagat.

Ang incubation period ng leptospitoris ay isa hanggang dalawang linggo.

Iniulat din na may lima pang kaso ng leptospirosis ngayon sa Sta. Ana Hospital, tatlo sa Ospital ng Maynila habang may tatlo sa Tondo Medical Center.

Pagtitiyak ng DOH, may sapat na gamot at medical supply para sa leptospirosis .

Tiniyak din ng DOH na ito ay tuloy-tuloy ,malinaw ang referral system para sa mga evacuees at koordinasyon sa LGUs at partner hospitals. 

Sinabi naman ni Dr.Padilla na handa ang Maynila o ang Manila Health Department sa sakit na leptospirosis kung saan naglunsad sila ng leptopirosis fast lane.

Bukod dito, nagbiigay ng libreng doxycycline, prophylaxis para sa pevention ng naturang sakit na inaasahan tataas sa susunod na dalawang linggo. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here