Home METRO OSAEC victim, nirescue ng NBI sa Davao Oriental

OSAEC victim, nirescue ng NBI sa Davao Oriental

274
0

DAVAO, Philippines – Matagumpay na narescue ng joint operation ng NBI-Human Trafficking at NBI-South eastern Mindanao ang nakilalang biktima ng OSAEC sa Banaybanay, Davao Oriental.

Nagsimula ang kaso sa kamakailangang operasyon ng NBI noong Hunyo 3, 2025 kung saan naaresto si Jacky Lou Geraban Parohinog at iba pa para sa paglabag sa RA 11930 o kilala bilang Anti-Online Sexual Abuse or Exploitation of Children (OSAEC) at Anti-Child Sexual Abuse or Exploitation Materials (CSAEM) Act sa Lupon, Davao Oriental.

Nagsagawa ang NBI ng post-investigation sa kaso upang matukoy ang posibleng OSAEC perpetrators at OSAEC victims kung saan ipinakita sa isang account na may alyas na “Ate Bibian”, ang nagbibigay ng CSAEMs kay Jacky.

Doon na natukoy ng NBI ang posibleng biktima ng OSAEC sa pamamagitan ng pagkakilanlan ng mga biktima.

Sa survellaince operation, natukoy ang kinaroroonan ng biktima kaya ikinasa ang rescue operation nitong Hulyo 24, 2025 at nasagip ang biktima na ngayon ay itinurn-over sa social welfare para sa pangangasiwa at pangangalaga.

Ayon kay NBI Director Jaime Santiago, kapag positibong maituro ng biktima ang mga pasimuno na sangkot sa nasabing krimen ay agad na sasampahan ng kasong kriminal. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here