Home ENTERTAINMENT Anak ni Bistek, may backer na beki?

Anak ni Bistek, may backer na beki?

282
0

Manila, Philippines – Marespetong nagpasintabi muna ang isang showbiz newspaper editor-columnist sa pagsasabing mas angat ang level ng pagganap ng anak kesa sa ama nito.

Ang anak na tinutukoy ng nagpasintabi ay si Harvey Bautista, supling ni dating Quezon City Mayor Herbert Bautista at negosyanteng si Tates Gana.

Nag-level up na raw kasi ang lalim nito pagdating sa pagganap.

Hindi na kataka-taka kung marami ang kinabibilangang programa ni Harvey sa ABS-CBN.

Sa madaling salita, Harvey’s having multiple shows attributed to his thespic talent.

Naloka kasi ang ina nitong si Tates sa ipinalalabas ng ilang bashers ni Harvey.

Kesyo may bading na backer daw ang kanyang anak kaya nabigyan ng mga shows.

Kung ito ang premise, ibig bang sabihin ay may “gay benefactor” din si Elijah Canlas na marami rin ang shows sa network?

Hindi ba puwedeng galing sa pag-arte ang puhunan at hindi dahil may kuneksyon na bading sa network?

Besides, masama bang magkaroon ng mga network friends na bading?

Isn’t showbiz, after all, a predominantly gay world?

Bakit hindi na lang kasi intrigahin si Harvey kung ano ang kanyang take o reaksyon sa apat na taon nang relasyon ng kanyang ama at ni Ruffa Gutierrez?

In a way ba’y maligaya si Harvey para sa kanyang daddy Bistek? Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here