MANILA, Philippines – Humina na si Emong bilang severe tropical storm matapos mag-landfall sa Candon City, Ilocos Sur, nitong Biyernes ng 5:10 a.m., ayon sa PAGASA.
Huling namataan sa San Isidro, Abra, taglay ang lakas ng hangin na 100 kph at bugso hanggang 165 kph, kumikilos pa-hilagang-silangan sa 25 kph. Tatawid ito sa Northern Luzon, lalabas sa Babuyan Channel bago magtanghali, at inaasahang makalalabas ng PAR sa Sabado ng umaga.
Nakataas naman ang mga storm signal sa mga sumusunod na lugar:
Signal No. 3:
Ilocos Norte
Ilocos Sur
Hilagang La Union (Bangar, Sudipen, Balaoan, Luna, Santol, Bacnotan, San Gabriel, Bagulin, San Juan, San Fernando City)
Apayao
Abra
Kanlurang Kalinga (Balbalan, Pasil, Tinglayan, Lubuagan)
Kanlurang Mountain Province (Besao, Tadian, Sagada, Bauko, Sabangan, Bontoc, Sadanga)
Hilagang-kanlurang Benguet (Mankayan, Bakun, Kibungan, Kapangan)
Hilaga at kanlurang Cagayan (Santa Praxedes, Claveria, Sanchez-Mira, Pamplona, Abulug, Ballesteros, Rizal, Lasam, Allacapan, Aparri)
Signal No. 2:
Batanes
Natitirang bahagi ng Cagayan kasama Babuyan Islands
Hilaga at kanlurang Isabela
Hilagang-kanlurang Quirino
Kanluran at gitnang Nueva Vizcaya
Natitirang bahagi ng Kalinga
Natitirang bahagi ng Mountain Province
Ifugao, natitirang bahagi ng Benguet
Natitirang bahagi ng La Union at hilagang-kanlurang Pangasinan (Bolinao, Anda)
Signal No. 1:
Natitirang bahagi ng Pangasinan
Natitirang bahagi ng Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya
Hilaga at gitnang Aurora
Hilagang Nueva Ecija
Hilagang Tarlac
Hilagang Zambales






