Home ENTERTAINMENT Lotlot, boto kay Echo!

Lotlot, boto kay Echo!

262
0

Manila, Philippines — Uwian na… may nanalo na!

Ito ang karaniwang isinisigaw pag may nagwagi na sa anumang timpalak.

Ito rin ang nakakabinging sigaw ng mga netizens as they express agreement sa tila pagkagusto ni Lotlot de Leon kay Jericho Rosales para sa anak na si Janine Gutierrez.

Open na rin kasi ang relasyon nina Janine at Echo.

Madalas din silang magkasama at namamataan sa iba’t ibang lugar.

Samantala, kilalang dumidistansya si Lotlot pagdating sa personal life ni Janine.

Kahit noong kasagsagan ng rumored relationship between Janine and Paulo Avelino, never umeksena ang showbiz mom.

Pero bakit tila “sumablay” si Lotlot kay Echo?

Pinagpipistahan pa rin kasi ang post ni Lotlot patungkol sa anak who was with Echo sa isang museum.

Post ni Lotlot: “Sino nagsama sa iyo diyan? Puwede ko bang malaman?”

Hanggang ngayon ay kinikilig ang mga netizens who took Lotlot’s post to mean na aprub sa kanya si Echo.

Lalo pang binuyo ng mga netizens si Lotlot na ang tingin ay bagay ang anak kay Echo. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here