MANILA, Philippines – Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 3 sa ilang bahagi ng Ilocos Norte, Apayao, at Cagayan habang inaasahang dadaan malapit o tatama ang Severe Tropical Storm Emong sa Batanes at Babuyan Islands mula Biyernes ng hapon hanggang gabi, ayon sa PAGASA.
Ayon sa 11 a.m. bulletin, si Emong ay nasa paligid ng Calanasan, Apayao, may lakas ng hangin na 95 kph malapit sa gitna at bugso na hanggang 160 kph, kumikilos pa-hilagang silangan sa bilis na 40 kph. Lalabas ito ng Philippine Area of Responsibility (PAR) Sabado ng umaga at inaasahang hihina bilang remnant low pagpasok sa East China Sea.
Mga lugar na nasa ilalim ng TCWS:
Signal No. 3:
Hilagang-silangang Ilocos Norte (Bangui, Pagudpud, Dumalneg, Piddig, Vintar, Adams, Carasi)
Hilagang Ilocos Sur (Santa, Caoayan, Lungsod ng Vigan, Bantay, Sta. Catalina, San Vicente, Sto. Domingo, San Ildefonso, Magsingal, San Juan, Cabugao, Sinait)
Natitirang bahagi ng Apayao
Hilagang Abra (Pidigan, San Juan, Tayum, Langiden, Sallapadan, Lagangilang, Danglas, La Paz, Licuan-Baay, Tineg, Malibcong, Peñarrubia, San Isidro, San Quintin, Dolores, Lagayan, Bangued, Bucay, Lacub)