Manila, Philippines — Idinaan man ni Yen Santos sa blind item, ay marami ang nagsasabing si Paolo Contis ang tinutukoy niyang naging manipulative boyfriend.
Grabe raw kung kontrolin siya nito, at mabuti na lang daw ay she’s way past their relationship.
Hindi naman nilinaw ni Yen in what way her ex-boyfriend was controlling.
Siyempre, curious ang press kung ano ang reaksyon ni Paolo.
Saksi ang buong mundo how he fought for Yen itsurang he got the flak.
Siya nga ba talaga ’yon unless some other guy came after him.
Pero grabe rin ang sinuong ni Paolo noong kasagsagan ng relasyon nila ni Yen, kaya to be fair to the actor ay huwag niyang palabasin na siya lang ang nag-suffer.
Nang hingan nga si Paolo ng kanyang reaksyon sa pasabog ni Yen, matipid ang sagot niya.
“Hamona,” mahinahon niyang sabi.
Please don’t mistake it for “Hamunan na!” as in naghahamon si Paolo ng labasan ng “baho.”
Pinahahalagahan lang ni Paolo ang pinagsamahan nila ni Yen, ’yun ’yon! Ronnie Carrasco III