Home ENTERTAINMENT Angelu, may paayuda sa evacuees!

Angelu, may paayuda sa evacuees!

245
0

Manila, Philippines — Si Angelu de Leon nga ba ang pumalit kay Angel Locsin sa pamamahagi ng ayuda sa mga nasalanta ng sakuna?

Viral kasi ang Reels video kung saan makikitang pumipila ang aktres sa isang supermarket.

Wearing sweatshirt and boots na pangbaha, obvious na ang mga pinamili ni Angelu ay para sa mga biktima ng nagdaang bagyo.

Dalawang pushcarts na nag-uumapaw sa laman ang ipinila niya.

One of which contained loaves of bread.

In fairness, behaved ang mga kapwa niyang parokyano na nagkukumahog ding mamili, not a single one of them dared to have a picture taken.

Hindi na kataka-taka ang pagbibigay-ayuda ni Angelu who topped the elections among the councilor-wannabes in Pasig City.

Parang coincidence pa na magkatunog sila ng pangalan ni Angel Locsin na aktibo noon in extending her help sa mga nangangailangan nating kababayan.

Ang maganda lang kay Angelu, her acts of charity ay hindi niya dinadaan sa showbiz as she does them silently and without fanfare.

Maaasahan! Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here