MANILA, Philippines – Anim na transmission lines sa Hilagang Luzon ang bumagsak nitong Biyernes, Hulyo 25, dahil sa bagyong Emong, ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).
Kabilang sa apektado ang Labrador-Bolinao, Bauang-San Fabian, Bauang-Naguilian, Bauang-San Fernando, Bacnotan-Bulala, at isang 230-kV line. Apektado ang mga kostumer ng Central Pangasinan Electric Cooperative (CENPELCO), Pangasinan 1 Electric Cooperative (PANELCO 1), at La Union Electric Cooperative (LUELCO). Sinabi ng NGCP na magsisimula ang inspeksyon at pag-restore ng linya kapag bumuti na ang panahon.
Ayon sa PAGASA, humina na si Emong bilang severe tropical storm at huling namataan sa San Isidro, Abra, kumikilos pahilagang-silangan sa bilis na 25 kph. Inaasahang lalabas ito ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Sabado. RNT