MANILA, Philippines – Nag-anunsyo ang Department of Tourism (DOT) ng pansamantalang pagsasara ng ilang pasyalan at suspensyon ng mga aktibidad sa iba’t ibang rehiyon dahil sa malakas na ulan at bagyong Emong.
Nanawagan ang DOT sa mga biyahero na unahin ang kaligtasan at sundin ang mga opisyal na abiso.
Narito ang listahan ng mga pasyalang sarado at mga suspendidong aktibidad:
NCR: People’s Park, Nature Park (Caloocan), Tagalag Eco-Park (Valenzuela), ilang museo, Intramuros walking tours.
CAR: Mga pasyalan sa Benguet, Baguio (maliban sa Burnham Park), mga kuweba sa Sagada, Banaue heritage sites; bawal ang trekking at rafting.
Ilocos: Patar Beach, Bolinao Falls, Hundred Islands, Tangadan Falls, Pinsal Falls, Vigan musical fountain; lahat ng water activities suspendido.
Cagayan Valley: Mga coastal area sa Batanes at Nagtipunan ecotourism sites; tigil trekking at operasyon ng maliliit na bangka.
Central Luzon: Hindi madaanan ang mga ecotourism site sa Aurora; baha sa Bulacan at Pampanga; suspendido ang nature-based activities.
Calabarzon: Sarado ang Calibato at Lagalas Falls (Laguna), Hinulugang Taktak, Daranak Falls (Rizal), Aguinaldo Shrine, Silang cafés at mga resort sa Batangas.
Mimaropa: Suspendido ang island tours sa El Nido at Coron; limitado ang access sa Puerto Galera; apektado ang coastal areas sa Occidental Mindoro.
Bicol: Sarado ang Albay Wildlife Park, mga site sa Camalig, coastal towns sa Masbate; tigil ang volcano at beach tourism.
Visayas at Mindanao: Maraming lugar ang nasa alerto; bawal ang island hopping, trekking, at outdoor activities.
Makikipag-ugnayan ang DOT sa mga LGU at kaukulang ahensya para sa agarang tugon.
Pinapayuhan ang mga biyahero na mag-monitor ng opisyal na anunsyo at makipag-ugnayan sa DOT Tourist Assistance Call Center: