Home METRO P3.4-M tobats nasawata sa Kyusi

P3.4-M tobats nasawata sa Kyusi

147
0

MANILA, Philippines – Arestado ang dalawang suspek sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Commonwealth, Quezon City kung saan nasamsam ang tinatayang 500 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱3.4 milyon, ayon sa Philippine National Police-Drug Enforcement Group (PDEG) nitong Huwebes.

Kinilala ang mga suspek na sina Esmail, 22, at Heinrich, 40, ayon kay PDEG acting chief Brig. Gen. Edwin Quilates. Dinala ang ebidensya sa Camp Crame para sa pagsusuri sa laboratoryo.

“Kudos sa team para sa malaking tagumpay na ito. Malinaw ang mensahe na hindi natin kukunsintihin ang paglaganap ng ilegal na droga sa ating komunidad,” pahayag ni Quilates. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here