Pumanaw na ang sikat at hall of famer na wrestler na si Hulk Hogan.
Ang tanyag na propesyonal na wrestler na nagpasikat ng wrestling sa buong mundo noong dekada 1980, sa edad na 71 matapos atakihin sa puso sa kanyang bahay sa Clearwater, Florida, ayon sa awtoridad.
Si Hogan, na ipinanganak bilang Terry Bollea, ay nakilala sa kanyang taas na 6’7”, gintong bigote, at “Hulkamania” persona na nagdala ng wrestling sa mainstream entertainment.
Nagpahayag ng pakikiramay ang World Wrestling Entertainment at sinabing tinulungan ni Hogan na makilala ang WWE sa buong mundo.
Nagbigay-pugay din sina wrestling icons Ric Flair at Kurt Angle, habang ipinahayag ni Sylvester Stallone ang lungkot at inalala ang pagganap ni Hogan sa pelikulang Rocky III.
Naging WWE Hall of Fame noong 2005, lumabas si Hogan sa mga pelikula, palabas sa telebisyon, at iba’t ibang patalastas.
Gayunman, hinarap niya ang ilang kontrobersya gaya ng pagkalat ng sex tape at paggamit ng racist remarks noong 2015 na nagresulta sa pansamantalang pagkatanggal sa WWE.
Isa ring kilalang tagasuporta ni Donald Trump, lumabas si Hogan sa 2024 Republican National Convention na may suot na Trump-Vance tank top, isang eksenang pinuri mismo ni Trump bilang “isa sa mga highlight” ng kaganapan.
Sa kabila ng mga problemang pangkalusugan at pag-amin sa paggamit ng steroids, nanatiling simbolo si Hogan ng wrestling history. Naiwan niya ang dalawang anak at isang pamana na nagbago sa mundo ng propesyonal na wrestling. RNT