Home NATIONWIDE Kita ng gobyerno sa sugal, sumirit sa P215-B

Kita ng gobyerno sa sugal, sumirit sa P215-B

264
0

MANILA, Philippines – Umabot sa ₱215 bilyon ang gross gaming revenues (GGR) ng industriya ng pasugalan sa Pilipinas sa unang anim na buwan ng 2025, tumaas ng 25.7% kumpara sa ₱171 bilyon noong nakaraang taon, ayon sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor).

Ang GGR ay kabuuang taya na ibinawas ang panalo ng mga mananaya.

Ayon kay PAGCOR Chairman at CEO Alejandro Tengco, ₱93.36 bilyon ng kita ay mula sa mga integrated resorts, kung saan ₱16 bilyon ang napunta sa PAGCOR bilang license fees para pondohan ang mga social service ng gobyerno. Hindi pa inilalabas ang opisyal na datos para sa online gaming at mga tradisyunal na casino.

Nilagdaan din ng PAGCOR at Ad Standards Council ang isang kasunduan para sa regulasyon at pre-screening ng mga advertisement ng pasugalan, na isinama sa listahan ng “must-screen” categories kasama ang alak, gamot, at promotional fares. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here