Home METRO Napinsalang navigational gate, evacuation center sa Navotas ininspeksyon ni PBBM

Napinsalang navigational gate, evacuation center sa Navotas ininspeksyon ni PBBM

227
0

NAVOTAS CITY, Philippines – Personal na nagpunta si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Navotas City, araw ng Sabado para inspeksyunin ang napinsalang Tangos-Tanza (Malabon-Navotas) Navigational Gate at ang Tanza National High School, na nagsilbi bilang temporary shelter para sa mga na-displaced na residente.

In-assess ni Pangulong Marcos ang Tangos-Tanza Navigational Gate, isang 30-year-old infrastructure na mahalagang barrier laban sa high tide at pagbaha.

Kasama ng Pangulo si Navotas City Rep. Toby Tiangco at Navotas City Mayor John Rey Tiangco sa isinagawang inspeksyon.

Ang tumanda ng flood gate, kasalukuyan ngayong kinukumpuni , may mahalagang papel sa pagkontrol ng water level ng Navotas River.

Ang pinsala sa navigational gate ang dahilan ng matinding pagbaha sa Malabon at Navotas.

Sa kabilang dako, nagdeklara ang Navotas City government ng state of calamity, kasunod ng pagguho ng river wall sa Barangay San Jose na nag-trigger sa matinding pagbaha.

Nagdeklara rin ang Malabon City government ng state of calamity bunsod ng malawakang pagbaha dahilan ng pinalakas na southwest monsoon o “habagat,” pinalala ng high tide at pinsala sa mahalagang river gate.

Sa kabilang dako, tsinek din ng Pangulo ang kondisyon ng displaced families na kasalukuyang nananatili sa Tanza National High School.

Nagkaroon din siya ng interaksyon sa mga bata sa evacuation center.

Kasama si Public Works Secretary Manuel Bonoan, ang Pangulo ay binrief (briefed) hinggil sa kasalukuyang situwasyon sa mga apektadong residente.

Samantala, ‘As of July 23’, ang mga bakwit na nanunuluyan sa eskuwelahan ay 162 pamilya o 538 indibiduwal.

Ang relief assistance mula sa Department of Social Welfare and Development ay ipinamahagi rin sa naging pagbisita ng Pangulo sa na-displaced na residente ng Navotas City. /Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here