MANILA, Philippines – Nag-isyu ang Toll Regulatory Board (TRB) ng show cause order laban sa NLEX Corp. para magpaliwanag kung bakit hindi ito dapat patawan ng administrative sanctions kasunod ng malawakang pagbaha sa ilang bahagi ng North Luzon Expressway, dahilan para maistranded ang mga motorista at commuter nang ilang oras.
Sa kalatas nitong Sabado, Hulyo 26, sinabi ng DOTR na ang TRB ay humihingi ng paliwanag mula sa NLEX Corp. sa ilang oras na pagka-istranded ng mga motorista noong Lunes, Hulyo 21, dahil sa pagbaha sa bahagi ng Balintawak at Valenzuela sa kabila ng direktiba nito sa toll operator na maghanda sa tag-ulan.
Sinabi pa ng DOTR na maaaring utusan ng TRB ang NLEX Corp. na magkaroon ng toll holiday sa mga apektadong segment ng expressway.
Samantala, nagpadala na umano ang NLEX Corp. ng tugon sa TRB nitong Biyernes, Hulyo 25, at “we are in close coordination with our regulators.” RNT/JGC