Manila, Philippines- Let’s face it, isa sa mga atraksyon ng SONA o State of the Nation Address ng Pangulo mula’t sapul ay ang kasuotan ng mga female attendees.
These include all women in politics.
Maging ang awrahan ng mga misis ng pulitiko’y inaabangan din.
Ang SONA ni Pangulong Bongbong Marcos ay gaganapin sa July 28.
To sing our national anthem is The Voice USA grand champion Sofronio Vasquez.
At isa siyempre sa mga kikilatisin at kakaliskisan ng mga mamamayan ay si Heart Evangelista, misis ni Senate President Chiz Escudero.
Pero may panawagan na si House Speaker Martin Romualdez–huwag nang gawing bongga ang kasuotan ng mga dadalo doon.
Ito’y may kaugnayan sa dinanas ng bansa mula sa matinding hagupit ng magkakasunod na bagyong Crising, Dante at Emong.
Ani Romualdez, “it will be out of touch to maintain a show of pageantry while we are still in recovery.”
Sana’y noted ‘yan lalo na ni Heart na inaasahang gagawa ng eksena sa kasuotan niya.
Ito’y higit lalo na marami sa ating mga kababayan ang dismayado sa kung paano pamunuan ni Escudero ang Senado kaugnay ng impeachment case laban kay VP Sara Duterte. Ronnie Carrasco III