Home ENTERTAINMENT BQ ni Coco, sumasabay sa politika!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES BQ ni Coco, sumasabay sa politika!July 27, 2025 08:452610 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines- Politics.Ito ang tema ngayon ng Batang Quiapo kung kaya lalong tinutukan at gumaganda ang serye ni Coco Martin.Kung kaya walang dudang ang serye pa ring ito ang Most Watched among the Primetime Shows sa Pilipinas, huh!Dito lang sa amjn sa Tondo, lahat halos ng mga kapitbahay namin ay tutok na tutok sa mga kaganapan sa buhay ni Cardo, huh!Sa totoo lang din naman, kahit anong programa ang itatapat mo sa BQ ay tiklop, huh!Ang latest ay itong “ Sang’re” na balitang nag-last taping day at hindi pa alam kung magre-resume pa ito, huh!Balita pa sa amin ng isang kaibigang GMA insider na ang pinaplanong programa na “Hari ng Tondo” ang itatapat daw sa “Batang Quiapo”, huh!So, Quiapo vs. Tondo na parehong nasa Maynila na pinamunuan ni Yorme Isko, huh!Balitang si Ruru Madrid daw ang magiging bida ng “Hari ng Tondo, huh!Minsan na ring tinalo ni Coco ang Lolong noon ni Ruru, huh!Pero ngayon daw ay paghahandaan at mas pagagandahin nang husto ang itatapat nila sa BQ.Ayon pa sa source namin ay isa si Dingdong Dantes sa makakasama ni Ruru sa Hari ng Tondo, huh!Sa totoo lang mas bagay talaga kay Ruru na gamay na gamay na ang aksyon maging Tondo Boy, huh!Fina-finalize na raw ngayon ang casting kung saan makakasama pa rin ang isang sikat na senior star, huh! Jimi Escala