Home NATIONWIDE Bagyo, baha nakaka-stress sa mga Pinoy

Bagyo, baha nakaka-stress sa mga Pinoy

291
0

Bulacan – Paalala ng mga awtoridad na mahalagang pangalagaan ang ating mental health sa gitna ng mga unos.

Ito ang paalala ng Bulacan Provincial Health Offoce (PHO)-Public Health nitong Sabado, Hulyo 26, na nagpahayag na maaaring magbunsod ng matinding stress at anxiety ang mga kalamidad gaya ng bagyo at baha.

Bukod sa negatibong epekto sa mental health ng mga unos, kasama na rin dito ang pagkasira ng mga ari-arian, ang pagka-stranded o ang kawalan ng mapaglilibangan.

Ilan sa maaaring gawin ng mga taong dinapuan nito ay ang paghinga ng malalim, marahang ehersisyo, kumausap nang taong mapagkakatiwalaan, iwasang mapag-isa, kumpletuhin ang tulog at kumain ng masustansya.

Mas nararapat din na kumonsulta agad sa doktor kung araw-araw nang mabigat ang pakiramdam, patuloy na magulo ang pag-iisip, nahihiraoang huminga, makakain at makatulog.

Kung kailangan ng kausap narito ang mga numerong ibinahagi ng PHO na maaring makakatulong sa mga nakakaranas nito 0917-899-USAP (8727).

Sinusulat ito, marami pang mababang lugar sa bayan ng Calumpit, Hagonoy, Paombong, Malolos, Guiguinto, Bulakan, Balagtas, Bocaue, Marilao, Meycauayan, Obando at iba pang malapit sa kailugan ang binabayo ng ulan at lubog sa baha ganoon din sa mga kalapit lalawigan at kamaynilaan. Dick Mirasol III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here