Home NATIONWIDE VP Sara nangunguna sa 2028 presidential preferences sa Pulse Asia survey

VP Sara nangunguna sa 2028 presidential preferences sa Pulse Asia survey

1
0

MANILA, Philippines – LUMITAW na si Vice President Sara Duterte ang “most preferred presidential candidate” para sa May 2028 national elections.

Sa September 2026 Pulse Asia survey, makikita na kalahati ng mga Filipino adults ang pinili si VP Sara.

Ang survey, isinagawa mula September 17 hanggang 24, makikita na nangunguna si VP Sara sa pitong potential presidential contenders na may 50% voter preference.

Nanguna si VP Sara sa nasabing mga potential presidential candidates, kabilang na si dating Vice President at Naga City Mayor Leni Robredo, Senator Raffy Tulfo, Senator Risa Hontiveros, Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr., Public Works Secretary Vince Dizon, at Baguio City Mayor Benjamin Magalong.

Nakapagtala naman si VP Sara ng kanyang pinakamalakas na suporta sa Mindanao na ma 92%, sumunod ang Visayas na may 56%, National Capital Region (NCR) na may 40%, at natitirang Luzon na may 28%.

Pumangalawa naman si Robredo na may 26%, sumunod si Tulfo na may 12% at Hontiveros na may 3%.

Kapuwa naman nakakuha sina Teodoro at Dizon ng 1%, habang si Magalong ay nakakuha ng 0.3%.

Mayroon namang 3% ng mga respondents ang undecided, may 3% naman ang nagsabi na hindi nila susuportahan ang sinumang potential candidates, habang 1% naman ang tumanggi na magpahayag ng kanyang nagugustuhan na suportahan sa May 2028 national elections.

Napanatili rin ni VP Sara ang pangunguna nito sa lahat ng limang alternative scenarios na ipinrisenta sa mga respondents para sa 2028 presidential race.

Sa isang three-way contest na sangkot si VP Sara, sina Robredo, at Tulfo, nakatanggap si VP Sara ng 52% voter preference, kumpara kay Robredo na may 30% at Tulfo na may 14%.

Nakapagtala naman si VP Sara ng malakas na suporta sa Mindanao na may 94%, sinundan ng Visayas na may 55%.

Sa socioeconomic class, nakatanggap siya ng 50% support sa Class D (lower-income) respondents at 70% sa Class E (itinuturing na poorest socioeconomic group) respondents.

Makikita sa survey na nangunguna si VP Sara sa apat na ibang hypothetical presidential contests:

Duterte (57%), Tulfo (17%), at Hontiveros (14%)

Duterte (57%), Tulfo (18%), at Senator Bam Aquino (16%)

Duterte (54%) at Robredo (40%)

Duterte (60%) at Hontiveros (23%)

Isinagawa ang survey habang dinidinig ng Senate impeachment court ang ebidensiya sa di umano’y unexplained wealth at business interests ni VP Sara sa ilalim ng Article II ng impeachment complaint.

Samantala, iniulat ng Pulse Asia na nakapanayam n ito ang 2,400 Filipino adults sa buong bansa sa pamamagitan ng face-to-face interviews.

Ang survey ay mayroong ±2-percentage-point margin of error na may 95% confidence level. ang pagtatantiya ng subnational para sa Metro Manila, natitirang bahagi ng Luzon, Visayas, at Mindanao b bawat isa ay mayroong ±4-percentage-point margin of error, ayon sa survey firm. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here