MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Commission on Elections (Comelec) nitong Lunes, Oktubre 12, na ang Pilipinas ang mamumuno bilang chairman ng Association of World Election Bodies (A-WEB) at ng Association of Asian Election Authorities (AAEA).
“In a historic first, the Philippines will simultaneously take on the leadership of both organizations, placing Comelec at the forefront of global and regional cooperation in electoral administration,” ayon sa isang pahayag.
Ayon sa Comelec, ang A-WEB ay isang global association ng election management bodies habang pinagbubuklod ng AAEA ang mga awtoridad sa halal an sa buong Asya.
Sinabi nito na inaasahang magbibigay ang chairmanship ng mga bagong pagkakataon para sa Comelec na palakasin ang pakikipagtulungan nito sa mga internasyonal na katapat at mapadalibang pagpapalitan ng kaalaman sa halalan.
Sinabi ng Comelec na ang turnover ay magaganap s amga pagtitipong iho-host ng Comelec mula Oktubre 12 hanggang 18 sa Makati City.
“As the incoming Chair of both organizations, the Comelec through the stewardship of Chairman Garcia will lead efforts to advance cooperation among the member bodies, particularly involving electoral integrity, technological innovation, cybersecurity, and misinformation and disinformation, among others,” ayon pa sa Comelec.
Ayon sa Comelec, ang A-WEB x AAEA International Conference at ang A-WEB General Assembly ay magkasabay na magaganap sa Oktubre 15 habang ang AAEA General Assembly ay sa Oktubre 17.
Sinabi ng Comelec na ilalahad din nito ang “Manila Declaration.”
“The declaration is intended for the formal adoption and ceremonial signing by authorized representatives of the participating election management bodies,” dagdag pa. Jocelyn Tabangcura-Domenden